Saturday, September 30, 2006
Blakcout for 1 1/2 days sa amin... dahil lang sa bagyong milenyo!!!
kakainis... nung thursday ok lang na nag-brownout kasi malamig naman pero nung friday na... ang INIT!!! sobra as in.. pagpapawisan ka pa... tapos na postponed pa ung finals ng ateneo... pero buti na lang ,,kundi di namin mapapanood... anyways... nung thursday parang may twister dito sa Pilipinas,, kasi ung mga "yero" lumilipad na sa langit... tapos ung mga billboards nasira.. nahulog talaga... as in nabale!! tapos ung mga kotse puede nang dalhin nung hangin.. ang daming puno pa ang bumagsak at nasira ung lupa kasi nabunot ung buong tree>>> tapos may mga sasakyan din ang napipit dahil sa mga puno... tapos un... sabi pa nga nila na may dadating pa na bagyo at ang pangalan ng bagyong iyo ay "neneng" sana ay di ni siya ganun kalakas katulad ng kay "Milenyo">>> un na lang
too busy!
8:58 AM
Wednesday, September 27, 2006
nagkaroon kami ng badminton tournament kanina nung club times.. ung level D lang ang nakapaglaro dahil sa lack of time... pero buti na yon para more time magkapagpractice... pero natalo kami kanina...
intrams na!!! pinagpipilian ko pa kung basketball or badminton ang sasalihan ko.. kasi sa badminton walang representative from 7-4 tapos pag sa basketball naman kulang ung players... so di ko alam kung ano ang sasalihan!!! pagisipan ko muna... un lang.... at sa wakas di na kami ung mag-lelead ngprayer sa CLE!!! wwwwwooooohhhhhhhoooooo>>> tapos na.. un lang>>>
too busy!
4:03 PM
Tuesday, September 26, 2006
ngayon ay nagkaroon kami ng class encounter na hindi siya ganun kasaya...
kasi ung mga games at activity lang ang masaya lalo na ung ice breaker... tapos nung after recess nagdrawing kami (ang pangit ng drawing ko!!!) tapos after lunch nag-OPEN FORUM kami!! it wasn't an event that i was expecting parang hindi ung ganun open forum ang iniisip ko na mangyari... madami ang umiyak at bawal ko pala ikuwento sa kahit kanino na hindi 7-4er it's CONFIDENTIAL>>>> so un lang.. ayokong ipagkalat ung mga nangyari!!!!
too busy!
4:43 PM
Monday, September 25, 2006
ano nga ba ang nangyari ngayon??? hmmm..????
ngayon ay shortened periods kami kasi may spiritual enrichment ang mga teachers... and so prang ung mga subjects namin ngayon ay sobrang ikli tapos birthday din ngayon ni ms.imee ang aming beloved TIC... so parang ang weird namin kasi pinatay pa namin ung ilaw kahit nakikita pa rin kami sa labas, sinarado pa nga namin ung mga bintana kahit nakikita pa rin kami so parang ung mga dumadaan sa labas naweweirdohan sa amin.. may cake at two candles pa nga... tapos si raye dun siya sa labas para sabihin kung parating na si ms. imee... kumatok siya para maging sign na nandiyan na si ms.imee so kumatok na nga sya so parang kami di pa nga nakapasok e kumanta na!! EXCITED kami... natouch naman si ms. imee sa ginawa namin.... so un.. regular day na naman nag stations kami during math time.. ANG HIRAP ng stations namin... grabe nahirapan kami ng groupmates ko!!! so un... tapos filipino wala naman kaming masyadong ginawa, language binigay ung test results.. ok naman ung score ko... pasado pero gusto ko line of nine isang point na lang di pa umabot... tapos reading di binigay ung scores kasi nag SRA kami (may book na ako ha.. di ko na kailangan gumawa ng 300 word essay...) tapos nung Science di binigay ung scores pero ang sabi ni ms.evee VERY GOOD naman daw ung mga scores namin so GOOD NEWS un... tapos A.P. nagquiz kami tungkol sa mga katipunan ng mga karapatan(bill of rights) un 18/20 ako... un lang tapos uwian na!!!... un lang.. madami na ung sinabi ko ha... bukas na nanaman at CLASS ENCOUNTER na namin bukas!!!! OPEN FORUM!!! wwwwwwwoooooooohhhhhhhooooooo....
too busy!
4:11 PM
wwwwooooooohhhhhhooooooo!!! panalo ang ateneo sa first game laban sa UST.. kasi last 4.3 econds na lang ang natitira sa fourth quarter tapos bola ng ateneo tapos na-agaw ng UST tapos na shoot ni evangelista ung ball so lamang na ang UST by one point... nag time-out si coach Norman Black.. ang galing ng naisip niyang play... anyway so un.. si macky escalano ung may hawak ng bola para i-inbound.. pinasa niya kay kramer na sobrang layo ni kramer pero malapit siya sa ring, nasalo ni kramer!!! TAPOS NASHOOT NIYA PA!!! ANG GALING.. e last one second na lang nung hawak ni macky ung ball so UNBELIEVABLE talaga!! FIRST TIME NANGYARI in BASKETBALL history... so un panalo ang ateneo by one point... ang galing talaga... ang yabang kasi ng mga UST yan tuloy natalo sila!!! sa thursday na ung game 2 at sana manalo ang seniors para champion na sila!!! at ito pa... sa thursday championship game rin ng ateneo eaglets labat sa baby tamaraws.. so pagnalo ang juniors at seniors sa thursday.. it's a BACK2BACK CHAMPIONSHIP won by the ATENEO BLUE EAGLES!!! GO ATENEO!!! ONE BIG FIGHT!!!
too busy!
3:22 PM
Sunday, September 24, 2006
finals na sa UAAP!!!
first game ngayon ng ateneo vs. ust sa UAAP sana manalo ang ateneo sa UAAP!!! ateneo deserves to be the CHAMPION!!! GO ATENEO!!! GET THAT BALL!!1 sobrang daming tao ngayon sa araneta para manuod ng UAAP... madami ang fans ng ATENEO!!! heheheh... welll un lang ang masasabi ko...
too busy!
4:01 PM
Saturday, September 23, 2006
untitled tong post ko na toh... kasi wala akong maisip na title...
one week din ako di nagpost dito sa blog ko... dami kasi naming ginawa this week ang daming ipapractice... anyways.. ngayon september.23 nagpunta kami sa AFP theater sa CAMP AGUINALDO para manuod ng stage play ng IBONG ADARNA... ok lang ung palabas kaso lang ang daming skinip na pangyayari... ang daming di lumabas na scenes pero nakasulat sa book... nakakalito nga... anyways maganda pa rin tapos ung mga nasa harap na na taga ibang school ang iingay!!! kami pa nga ung unang sinabihan na ASSUMPTION ANTIPOLO ay may proper theater etiket (di ko alam ung spelling e...) tapos kami lang ung di nag howl at sumigaw.. kami pa ung tumayo para magclap.. kasi sa sobrang ganda ng palabas... tapos un.. marami rin ang nagprivate papuntang AFP theater unti lang ang sumabay papunta sa bus... un lang... maramirami na rin ung nasulat ko...
too busy!
4:38 PM
Saturday, September 16, 2006
so stressed with school woks now...
super hirap pala ng grade 7 lalo na pag pinagsabay-sabay pa ung mga projects, tests, at presentation... pero MASAYA naman.... :D
ang super hirap talaga ay ang SCIENCE!!! kasi ung teacher namin sobrang bilis sa pagtuturo tapos pag sinabi namin na ireteach niya ulit ung lesson magagalit pa siya... ang hirap talaga... buti pa si Sir Lui ang galing mag-turo hehehehe... pero nung inexplain ni gaby ung half-life at ung mga terminologies mas naintindihan ko as in parang ung buong class mas naintindihan lang ung lesson dahil kay GABY!!! ang TALINO MO GABY!! ASTIG MO!!! sobrang talino talaga ni GABY!!! ang pinakamababa niya ata sa card ay 94...grabe.. ACADEMIC EXCELLENCE ang makukuha ni GABY sa Graduation namin ako academice honors lang (sana... nangangarap pa lang pero candidate pa rin ako...for honors)
too busy!
10:30 AM
Wednesday, September 13, 2006
yehey... magpapabraces ako pero sa baba lang kasi ung taas maganda naman daw ang formation kaya sa baba lang ako magpapabraces... anyways... cleaning daw muna ang mauuna bago mag braces so baka mga october may braces na ako pero di ako sure... un lang just wanted to share my experience yesterday... heheheh
too busy!
5:28 PM
super boring kaninang club time.. as in parang wala kaming ginagawa kasi ang boring talaga mas masaya pa ang badminton club last year... di katulad this year ang papanget ng mga clubmates ko as in onti lang ung magaganda tapos ung iba naman ang feeling nila na super galin nila maglaro tapos ang sip-sip pa nila sa mga teachers... un lang... tapos excited na ako mag class encounter kasi may open forum pala .... marami akong masasabi!!! un lang...
too busy!
4:02 PM
Monday, September 11, 2006
today was a tiring day... that made mo so tired (may sense ba?)
anyways ngayon nag present kami ng ibong adarna at nagpamigay na lang kao ng candies kasi sayang kasi ung teacher namin sa Filipino ay di pinatapos ung game namin para sa aming presentation... tapos kanina rin right after nung presentation namin sa ibong adarna ay tumakbo kami papuntang preschool para mag present ng puppet show na parang ung mga kids walang gana kais kararating pa lang nila sa classroom nila... pagdating namin sa preschool ay super hingal na hingal kami pero ung original na section na dapat magpupuppet show kami ay umalis na kasi maaga raw umalis... kakainis so hinintay pa namin na dumating na ung panghapon na class ng preschool kaya dun na lang kami nag present... tapos bukas pupunta na kami sa dentist para mag pa check for braces!!! I'm sooopppeeerrr excited na!!!
un lang...
too busy!
4:30 PM
Saturday, September 09, 2006
lang magawa ngayong umaga... hehhhehehehe...
mamaya pa ung araw ko na magiging mahaba dahil marami kaming gagawin ngayon.. isa na dun ang papiapiano lessons ko (di naman masyadong seryoso sa pagtugtog). tapos bibili kami ng gift para sa party na aatendan ng parents ko... di kami kasama waaaaahhhhh... pero k lang have lot's of things to do naman... anyways excited na rin ako dahil sa wednesday ata kami pupunta ng dentist para ipacheckup ung ngipin ko at ng kuya ko tapos magpapabraces na kami!! yehey!!! excited na ako mag-pabraces!!!! ano kaya ang magiging itsura ko pag may braces na??? stay tune!!! hahahha =)) :)
too busy!
11:47 AM
Monday, September 04, 2006
sorry na raw siya...
hahaha... di siya makakatiis na hindi ako kausapin... nagigive-up na siya tapos di rin niya natupad ng sinabi niya na susugurin daw niya ako... wala naman ang may kaya na sumugod sakin dba??? (ikaw kaya mo ba???) hehehehehe.... basta un di ko pa rin siya papatawarin... manigas siya... un lang...
too busy!
4:16 PM
Sunday, September 03, 2006
grabe ang daming ginagawa pag grade 7...
kakapagod... ang daming presentations next week tapos sasabay pa ang ut1 haaayyyy... tapos magprapractice pa kami para sa puppet show tapos aayusin pa namin ung research paper at gagawin ko pa ung IP project namin (investigatory project) para sa science tapos this thursday magtatanim pa kami... ang dami pang naming homeworks... pero ka lang ganyan talaga ang buhay sa AA... pero di ako busy kasi i dont want to be under satan's yolk... hehehehehe....
too busy!
8:54 AM
Saturday, September 02, 2006
ayyy... what a beautiful saturday morning...ngayong umaga ang aga ko nagising kasi ang ingay ng aso ko... gusto na pumasok sa room... so pinapasok ko naman kasi ang ingay-ingay.. pinahiga ko siya sa bed at dinilaan niya pa ko... tapos nakahiga siya tapos sa sobrang lamig nakatulog rin siya tapos ako nanuod nalang ng tv... tapos kumain kami ng breakfast tapos ngayon nakaonline ako... mamayang 10:00 am pupunta kami sa Assumption Antipolo para kunin ung report card ko for the first quarter kinakabahan ako pero ang alam ko wala akong bagsak kasi matataas naman ang grades ko... wala naman akong bagsak nung exams... hehehe... un lang at sana mataas ung grades ko... incandenses ata ung pangalan nung legacy namin... di ko lang sure kung tama ung spelling ko ng legacy title... hehehehe un lang...
too busy!
8:52 AM
Friday, September 01, 2006
ok so ngayon 1st day ko magpost dito sa second blog ko... hahahahaha... sana di na siya masira... heheheheh...anyways ngayon araw na to ay nag papicture kami para sa chat pic namin... package 2 ang kinuha ko... heheheheheh... grabe ang daming ginawang formal na poses... sabi pa nga nung photographer "ok twist your head a little bit to the right and STOP!!!" hehehehe kakatawa ung photogrpaher.... tapos may dalawa akong candid na pic ung isa hawak ko ung puppet na piglet tapos ung pangalwa hawak ko ung badminton racket... playing posotion ung pose... la na akong maisip na post... tapos ung legacy title namin ak incandensces??? (tama ba ang spelling???) un lang....
too busy!
4:27 PM