sa wakas... naka-online na rin ako! kasi ba naman naputol ung dsl namin nung december dahil dun sa taiwan earthquake thingy tapos nung january tinawagan ko ung PLDT pero wala naman silang ginawa... tapos nung isang araw, kuya ko na ung tumawag sa PLDT, ayun bumalik na ung DSL!!! sa wakas... takot pala sila sa kuya ko ha... :))
so ano na nga ba nangyayari sa buhay ko??? di ko na nga maalala kasi nga sobrang tagal ko ng di naguupdate ng blog... pero ikukwento ko na lang ung mga na-aalala ko... pero isang pangyayari na nangyari sa buhay ko this year ay yung nag-away kami ng bestie ko... madaming nakapansin na hindi na kami close a ung mga bagay na madalas namin na ginagawa dati, hindi na namin ginagawa... sobrang di ako nakakapaniwala kasi naging bestfriend ko siya simula nung grade 2 pa kami,,, tapos biglang... hindi na pala... so parang nung isang club time, may ginawa siya sa akin at hindi ko na ikkukwento dito, nainis na ako... tapos parang hindi niya pa yun napansin, so ginagawa niya yun ng ginagawa, tapos pag-uwi ko.. di ko mapigilan ung sarili ko.. so ang ginawa ko na lang... nagsulat ako ng letter sa kanya pero di ko pa binibigay sa kanya... habang ginagawa ko ung letter, huminto ako for 5 minutes at umiyak ako! nagulat nga ako na napaiyak ako.. pero ganun ang nangyari.. at na-realize ko na hindi ko pala siya best friend.. parang friend lang pero di best! so ngayon napagisipan ko na... basta.. bahala na.. at ngayon... i think i found my real friends.. at si GRTHEL, SC, DOTTIE & MIA M. yun... sila ung "barkada" ko ngayon and i'm really happy whenever we're together... mas lalo na pag LUNCH.. sobrang saya namin! so un lang ung masasabi ko...
so enough with the drama... let's go to commedy or not so commedy...
so kaninang lunch.. nagpractice kami nila gaby, trixia, pearl, kat at ako ng dula namin para sa filipino.. tapos sobrang benta! kasi parang first practice pa lang namin, parang ok na kami as in onti lang ung mga mali at onti lang ung mga kailangan na baguhin... so ang galing ng group namin!!! anyways.. isang part dun sa dula namin ay ung si kat sisigaw na "wazzup everybody.. leen in da haus" e sobrang di niya kayang gawin,,, ang daming tumulon sa kanya, tapos si trixia nagdemo siya.. tapos ang benta ng itsura niya! di ko ma-explain ung itsura niya e... so un.. basta ang benta!!! :)):))=))
kaninang science naman, nagpunta kami ng science fair.. tapos may part dun na magshooshoot ka ng ball (basketball) tapos kung ilan ung mashoot mo un ung points na i-aadd dun sa envi ed. score.. naka 5 points ako! wooohhhooo...
kaninang SSP.. nagpunta kami sa science gizmo.. nag cool ng mga exhibits nila! lalo na ung "finger tinker" ang saya!!!
un lang.. ang saya ng day na 'to!
bye... smile always :D chao...