hmm.. every week na lang ako magpopost sa blog, and that would be every friday. nakakatamad e..
so anyways, ito ung mga nangyari this week:
monday: uhm.. ano nga ba? actually wala namang memorable na nangyari except nung uwian, kung saan sobrang hyper ko na talaga..! woohhoo.. to the max! as in sobrang tawa kami ng tawa sa service dahil sa mga corny na jokes pero natatawa kami.. ayyy,,, hahahaha.
tuesday: practical test sa PE, sa WAKAS! haha, tapos may bago nanaman kaming dance para sa tuesday practical test ulit, ano ba yan. nung tuesday din, may test kami sa Music kung saan hindi ako nag-aral pasaway,, kasi nung tuesday din nagtest din kami sa Science. madali na nakakalito ung test sa science, pero confident ako na papasa ako! nag-aral ako e..
Wednesday: dula namin sa filipino, lahat ng classmates ko na-astigan sa "dugo" sa tshirt ko kasi namatay ako sa play. so un kailangan ng dugo so ang ginawa ko lang, nilagyan ko ng madaming ketchup ung t-shirt ko.. ayos ba? :)) nung club time, nag field trip kami sa ABC(antipolo badminton center) ang boring... dalawang courts lang ang pinareserve e 40+ kami sa club.. so ang ginawa na lang namin, since may dalang camera si camille, nagpicture-picture na lang kami! pero sobrang nakakainis na talaga si *** nung club time nung papunta na kami sa ABC, ang ignorante niya!(taong walang alam) tapos ang sama niya pa, kasi dumaan kami sa may mga stands ng kasuy at suman sa antipolo, tapos bigla siyang sumigaw sa mga tindera ng "hoy! walang kuwenta ung mga binebenta niyo diyan!" so parang ako, ANG SAMA MO! un na nga lang ung hanapubuhay nila lalaitin mo pa,, so un.. na-guilty tuloy siya.. buti nga sa kanya! IGNORANTE! kasi..
Thursday: test sa reading,,, madali na nakakalito. may quiz kami sa science at sa AP. tapos computer, ginawa namin ung newsletter namin, di ko pa tapos ung article ko! waahh.. may topak kasi ung computer sa computer room.
Friday: ngayon! hahaha... nagvote na kami kanina para sa SCAA officers, nilagyan ba naman kami ng blue na ink sa kuko. ang pangit pangit pa! tapos hindi pa inayos ung paglagay nung babae... pambihira naman oh... :)) tapos nakalimutan ko pa kumuha ng pera sa drawer ko, kaya 30 pesos lang ung money ko ngayon,,, yun naman dba.. so hindi ako nag-recess! may pinanood kaming Ballet presentation at di ko ma-gets ung story!
bukas.. magshooshoot na kami para sa reading.. excited na ako, kahit di ko pa memorize ung lines ko! ano ba naman yan... next friday na ung deadline! wahh.. tapos ung sa Hele namin, wala pa kaming nagagawa. pasaway kami!
un na lang.. ang haba ng post ko! basta watch out for the next chapter... :))
:D smile always :D